Mission, Vision, Core Values
Vision
Isang progresibong akademikong institusiyon sa larangan ng Teknolohiya ng Pananamit at Disenyong Panloob na kinikilala sa loob at labas ng bansa para sa mga ambag na nakaugat sa kultura, tumutugon sa pangangailangan ng lipunan, at nakatuon sa pagpapabuti at pangagalaga ng kagihawaan ng bawat Pilipinong indibidwal, pamilya, komunidad at sambayanan.
[A progressive academic institution in the fields of Clothing Technology and Interior Design, distinguished locally and internationally for its culturally-grounded and socially responsive contributions, dedicated to enriching and safeguarding the well- being of Filipino individuals, families, communities and the nation.]
Mission
Lumikha, isabuhay at isulong ang mga kaalaman sa Teknolohiya ng Pananamit at Disenyong Panloob sa pamamagitan ng edukasyong mapagpabago, mga pananaliksik at malikhaing gawain na nakaugat sa kultura at tumutugon sa pangangailangan ng lipunan, at pakikibahagi sa pahinungod na pumupukaw sa diwa at nag-iiwan ng bakas hindi lamang sa akademiya, pati na rin sa buong sambayanan.
[Create, apply, and advance knowledge in the fields of Clothing Technology and Interior Design through transformative education, culturally-grounded and socially responsive research and creative work, and engaged public service that inspires and makes an impact not only in the academe, but also on the Nation.]
GOALS
1. Linangin ang susunod na henerasyon ng Clothing Technologists at Interior Designers na maging marangal, mahusay, mapanuri, malikhain, at may malasakit sa kapwa. Kaalinsabay nito, paunlarin ang kasanayang propesyonal sa larangan ng Teknolohiya ng Pananamit at Disenyong Panloob sa pamamagitan ng pagpapatatag ng kurikulum at pagbibigay ng karadagang kaalaman at kasanayan sa tulong ng mga co-curricular na programa.
[Nurture a new generation of Clothing Technologists and Interior Designers to become ethical, competent, critical, visionary, and socially responsible leaders committed to serving others. Furthermore, advance the level of professional competency in Clothing Technology and Interior Design through curricular review and offering co-curricular programs.]
2. Itaguyod ang isang masigla, inklusibo, at mapagpalayang kapaligiran para sa mapanuring diskurso at paglikha ng karunungan upang patingkarin/padamihin ang paggawa at pagbahagi ng panaliliksik at malikhaing gawa. Gayundin, patibayin ang academic at public presence sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga lokal, rehiyonal, at pandaigdigang pakikipag-uganayan.
[Foster encouraging, inclusive and liberating environments for critical discourse and knowledge generation to increase knowledge production and dissemination of research and creative work. Furthermore, to strengthen academic and public presence through active participation in local, regional, and international engagements.]
3. Bumuo ng mga pangunahing programa kasama ng mga iba’t ibang katuwang upang isulong ang mga layunin ng Departamento ukol sa pananaliksik at serbisyong pampubliko.
[Develop flagship programs that engage and collaborate with diverse partners to promote the research and public service agenda of the Department.]

