ANINAG: Ternocraft ExhibitSeptember 21, 2026

Kasabay ng pagdilim ng lipunan noong Dekada ‘70, ay ang paglitaw ng mantsang iniwan ng rehimeng Marcos Sr. sa Terno at Kasuotang Pilipino—isang nakasusuklam na imahe ng karangyaan sa gitna ng madugong danas ng mga Pilipino.
Ang Kasuotang Pilipino, kabilang na ang Terno, ay isang konseptong malaya at mapagpalaya. Hindi ito permanenteng nakatahi sa isang pagkakakilanlan—tulad ng araw, ito ay patuloy na lilitaw, mananatili, at lulubog.
Ngayong Setyembre 21, 2026, bilang paggunita sa ika-54 na taong anibersaryo ng proklamasyon ng Martial Law, magiging makasagisag na instrumento ang mga manggas ng terno upang alpasan ang madugo’t diktatoryal nitong kasaysayan. Kaantabay ang Jurado Study Collection, itinatampok ng ANINAG (2026) ang mga kwento na nakatago, nagtatago, at itinatago sa loob ng bawat Terno. Bibigyang-diin ng eksibit ang makabuluhang diwa ng Kasuotang Pilipino—dinamiko at hindi nakakahon sa iisang depinisyon.
Ang ternong minsa’y naging simbolo ng karangyaan at imahe ng diktadurya ang siyang gagamitin ng eksibit na ito upang muling bigyang pagkakakilanlan ang Terno—isa na kinikilala ang kahapon, kumakatawan sa kasalukuyan at nagbibigay-daan sa kinabukasan.
ANINAG: Ternocraft Exhibit Launch
Setyembere 21, 2026, 2:00 n.h.
4th Floor Exhibit Space, CHE Museum Building, UP Diliman
RSVP Form
https://bit.ly/BSCTAninag
#BSCT_ANINAG #TernoCraft2026#NeverForget See less

